^

Police Metro

Mag-ingat sa herbal food supplement na hindi rehistrado-FDA

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbigay ng babala sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa  mga  unregistered herbal food supplement na ibinebenta online  bilang food supplement.

Ayon kay FDA Acting Director Dr. Kenneth Hartigan-Go, panibagong  advisory  ang  kanilang inilabas laban sa Sehat Badan, na isang herbal powdered at  food supplement na gawa ng PJ Nylor Koneng sa  Indonesia, matapos na  patuloy ang pagbebenta nito sa Mindanao  sa kabila ng  pagbabawal dahil hindi ligtas na inumin.

Nagtataglay ng  droga at positibo sa diclofenac sodium, ibuprofen at paracetamol na nabibili lamang sa mga grocery stores, malls, at  street vendors.

Nakasaad sa FDA advisory 2014-006 noong January 15, 2014 na  hindi na maaaring ibenta ang  Sehat Badan  dahil na rin sa mga paglabag nito.

Kabilang na dito ang kawalan ng english translation  sa label  na paglabag sa Administrative Order 88-B. Series of 1984 (DOH-BFAD).

Ibinebenta din ang  Sehat Badan  sa merkado bilang herbal drink kung saan nakapagpapagaling umano ng asthma, urinary stones, allergy, impotence, rheumatism, toothache at ulcer na hindi naman  aprubado ng FDA.

ADMINISTRATIVE ORDER

AYON

DR. KENNETH HARTIGAN-GO

DRUG ADMINISTRATION

IBINEBENTA

KABILANG

MINDANAO

NYLOR KONENG

SEHAT BADAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with