^

Police Metro

2 batalyong sundalo idedeploy sa SONA

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mahigit 600  o dalawang batalyong sundalo ang ide­deploy ng Joint Task Force-National Capital Region (JTF-NCR) upang tumulong sa PNP sa pagbibigay seguridad sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III sa Lunes (Hulyo 28) na gaganapin sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.

Magdedeploy ng anim na Civil Disturbance Mana­gement (CDM) companies upang tumulong sa Super Task Force Kapayapaan SONA 2014 ni NCRPO Chief P/Director Carmelo Valmoria.

Maliban sa anim na CDM companies  ay magdedeploy rin ng JTF –NCR at mga K9 units gayundin ang Explosive and Ordnance Disposal (EOD) teams.

Ang mga elemento ng  JTF-NCR ay idedeploy sa mga istratehikong lugar sa Metro Manila na inaasa­hang daragsain ng mga raliyista.

Isinailalim na kahapon sa full alert status ang NCRPO bilang paghahanda sa SONA ng Pangulo.

BATASANG PAMBANSA COMPLEX

CHIEF P

CIVIL DISTURBANCE MANA

DIRECTOR CARMELO VALMORIA

EXPLOSIVE AND ORDNANCE DISPOSAL

JOINT TASK FORCE-NATIONAL CAPITAL REGION

METRO MANILA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

QUEZON CITY

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with