^

Police Metro

2 tumitira ng shabu dedo sa pulis

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng mga pulis ang dalawang lalaki na sa halip na sumuko ay nanlaban pa umano ang mga ito matapos maaktuhan na tumitira ng shabu kamakalawa sa Silang, Cavite.

Isa sa nasawi ay nakilala lang sa pangalang William Daef, habang hindi pa nakikilala ang isa kasama nito.

Sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon nang humingi ng tulong sa pulisya ang isang Jerry Plata, collector ng HSDI Crifil matapos siyang holdapin ng apat na armadong suspek sa Brgy. Anahaw 2 na tumakas sakay ng tricycle tangay ang kaniyang dalang cash na nasa humigit kumulang sa P35,000.

Nagsagawa ng follow-up sa lugar ang mga otoridad at isang concerned citizen ang nagturo sa safehouse ng mga suspek na nasa bahay ng isang Ronaldo Daef sa Block-10, Lot-11, Zone 3, AFP Housing, Bulihan.

Pagpunta ng mga pulis sa lugar ay naaktuhan ang dalawa na sumisinghot ng shabu at sa halip na sumuko ay pinaputukan ang mga pulis dahilan upang magkaroon ng palitan ng putok hanggang sa tumimbuwang ang dalawa.

Inaalam pa ng pulisya kung ang mga nasawi ay siyang nangholdap kay Plata.

 

vuukle comment

ANAHAW

BRGY

BULIHAN

CAVITE

CRIFIL

INAALAM

JERRY PLATA

RONALDO DAEF

WILLIAM DAEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with