^

Police Metro

Lover hindi nakauwi ng maaga, bartender lumaklak ng lason

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa sobrang galit umano ng isang bartender sa live-in partner na nakatalo niya sa palitan ng text message ay nagawa nitong uminom ng silver cleaner kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang biktima na ideklarang dead on arrival sa  Manila Central University Hospital ay kinilalang si John Patric Poquiz, 26, ng Ubas St., Bagong Barrio ng lungsod.

Bago ang biktima na natagpuang bumubula ang bibig dakong alas-8:45 ng gabi ng kanyang live in partner na si Realyn Barrera  ay nagtalo pa umano sila ng una sa palitan ng text messages.

Humingi ng saklolo si Barrera sa mga kapitbahay upang maisugod sa pagamutan ang kinakasama ngunit hindi na rin naisalba ang buhay nito.

 Ayon kay Barrera na nagtalo sila ng biktima sa palitan ng text messages sa hindi mabatid na dahilan at nagbanta pa umano ang biktima na magpapakamatay kung hindi agad uuwi ng maaga ang una.

vuukle comment

AYON

BAGONG BARRIO

BARRERA

BIKTIMA

CALOOCAN CITY

HUMINGI

JOHN PATRIC POQUIZ

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

REALYN BARRERA

UBAS ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with