^

Police Metro

Kabit ni misis, tadtad ng bala sa ex-navy

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinadtad ng bala ng isang mister na nag-AWOL (Absence Without Official Leave ) sa Philippine Navy ang kalaguyo ng kaniyang misis sa Brgy. Kasanyangan,  Zamboanga City kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din ang biktimang si Jhonrey Altamia, 32, binata na nagtamo ng maraming tama ng bala ng cal. 45 pistol sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Raymond delos Reyes, nasa hustong gulang, idineklarang nasa AWOL status sa Philippine Navy.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-9:30 ng gabi sa  kahabaan ng Talon-Talon road dumpsite, Brgy. Kasanyangan sa lungsod ay kasaluku­yang pauwi ang biktima lulan ng kaniyang Mazda B2200WT(PND 523) matapos dumalo sa kaa­rawan ng anak na lalaki ng nobya na misis ng suspek.

Pagdating sa nasabing lugar ay hinarang ng suspek na sakay ng motorsiklo ang kotse ng biktima at walang kaabog-abog na pinagbabaril ito saka mabilis na tumakas.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na nilayasan ng misis at mga anak ang suspek matapos silang magkaroon ng tampuhan hanggang sa ito ay maki­pagrelasyon sa biktima.

Nang malaman ng suspek na nagkaroon ng relasyon ang misis sa biktima ay nagkaroon ito ng ma­tinding poot hanggang sa planuhin ang paghihiganti na humantong sa pamamaslang sa biktima.

vuukle comment

ABSENCE WITHOUT OFFICIAL LEAVE

BATAY

BRGY

JHONREY ALTAMIA

KASANYANGAN

LUMALABAS

MAZDA

PHILIPPINE NAVY

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with