^

Police Metro

VP Binay, anak na mayor kinasuhan ng plunder

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng plunder sa tanggapan ng  Ombudsman sina Vice President Jejomar Binay at anak nito na si Makati City Mayor Junjun Binay kaugnay ng umanoy overprice na pagpapatayo ng 11 palapag na bagong Makati City Par­king Building sa nabanggit na lungsod.

Sa reklamo nina  Atty.Renato Bondal at Nicolas Enciso, mga dating barangay chairman at kapwa miyembro ng United Makati Against Corruption (UMAC), umabot sa P1.56 bilyon ang contract price ng naturang gusali kahit ito ay may halaga lamang na  P245.56 milyon.

Binanggit ng mga complainant na nagkaroon ng overprice na P1.314 bilyon sa pagpapatayo sa  par­king building na itinayo noong 2007 noong si Vice President Binay pa ang Mayor ng Makati at natapos  noong 2013 na ang Mayor na ay ang anak nitong si Junjun.

Anila, nilabag ng mag-amang Binay ang anti-graft and corrupt practices act na may kinalaman sa  Anti-Plunder Law.

Kasama din sa plunder ang 20 city councilors na nanungkulan noong 2007 hanggang 2013 na sinasabing kakutsaba sa naturang proyekto.

ANILA

ANTI-PLUNDER LAW

MAKATI CITY MAYOR JUNJUN BINAY

MAKATI CITY PAR

NICOLAS ENCISO

RENATO BONDAL

UNITED MAKATI AGAINST CORRUPTION

VICE PRESIDENT BINAY

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with