^

Police Metro

Bagyong Henry bumagal

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumagal ang takbo ng bagyong Henry habang nagbabanta sa Bicol region at iba pang parte ng Visayas at Mindanao.

Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) napanatili ni Henry ang kanyang lakas at tinatayang nasa 420 kilometro ng silangan-hilagang silangan ng Borongan, Eastern Samar ganap na alas-10 ng umaga.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at may bugsong nasa 150 kph. Inaasahang gagalaw si Henry patungong hilagang kanluran sa bilis na 13 kph.

Ngayong umaga  ay inaasahan nasa 440 km hilagang silangan ng Virac, Catanduanes. Habang bukas araw ng Martes ay inaasahang nasa 360 km sa silangan-hilagang silangan ng Aparri, Cagayan. Sa Miyerkules ng umaga ay inaasahang nasa 210 km sa hilagang silangan ng Basco, Batanes. Matapos nito, inaasahang bibilis ito habang tinatahak ang patungong Taiwan.

Wala namang naitalang signal ng bagyo sa anumang parte ng bansa. 

Magdadala si Henry ng pagbuhos ng ulan na 7.5 hanggang 15 mm kada oras (katamtaman hanggang matindi) sa loob ng kanyang 500-km diameter.

Sinabi ng PAGASA, magdadala si Henry ng katamtaman hanggang sa okasyunal na matinding pag-ulan at pagkulog sa  Eastern Visayas, Bicol region, Dinagat at Siargao Island at sa kabuuang probinsya ng Surigao del Norte.

Pinaalalahanan ang mga residente sa nasabing mga lugar na maging alerto hinggil sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

 

APARRI

BASCO

BATANES

BICOL

BORONGAN

EASTERN SAMAR

EASTERN VISAYAS

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

SA MIYERKULES

SIARGAO ISLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with