^

Police Metro

Dahil sa sentenaryo ng INC Expressway holiday sa Hulyo 27 hiniling

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hiniling ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa North Luzon Expressway (NLEX), South Luzon Expressway (SLEX) na magpatupad ng “Expressway Holiday” para sa mabilis na biyahe ng libo-libong sasakyan ng mga delegasyon sa darating na sentenaryo ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Bulacan sa Hulyo 27.

 Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ngayon pa lamang ay tinatayang nasa 10,000 buses at 2,400 Asian Utility Vehicles (AUV) na maghahatid sa daan-libong delegado galing sa iba’t ibang panig ng bansa tungo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

 Importante umano na magpatupad ng “Expressway Holiday” ang mga pamunuan ng mga expressway partikular na ang NLEX. Hihilingin ni Tolentino na maglaan ng espesyal na lane para sa mga sasakyan ng INC habang ilaan ang Tabang Exit para lamang sa INC.

 Malaking bahagi naman ng mga bayan sa Bulacan na kanugnog ng bagong tayong Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ang magiging parking area ng mga sasakyan.  Inaasahang pinakamalaking delegasyon ang mga manggagaling sa National Capital Region, susunod sa Region 1, Region 2, CAR, Region 3, Region 4, Region 5 at maging sa mas malalayong probinsya. Umapela naman si Tolentino, ang naatasang mamuno sa Task Force Sentenaryo, sa mga motorista na huwag na lamang ituloy ang kanilang lakad tungo sa Norte sa Hulyo 26 hanggang 28 upang maiwasan na maipit sa inaasahang matinding pagbubuhol ng trapiko hindi lang sa NLEX maging sa MacArthur Highway.

Umaapela rin ang mga alkalde sa Bulacan sa mga grupo ng truckers na pansamantala munang huminto ng operasyon para makaluwag sa daloy ng trapiko.

 Inaasahan naman na nasa 2,500 pulis buhat sa Region 3 at 2,000 pa sa Metro Manila ang magpapanatili ng katiwasayan sa okasyon.  Nasa 85-90% na umano ang ginawang paghahanda ng TF Sentenaryo para sa maayos na paggunita sa 100 Anibersaryo ng INC.

 

ASIAN UTILITY VEHICLES

BOCAUE

BULACAN

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

EXPRESSWAY HOLIDAY

HULYO

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PHILIPPINE ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with