^

Police Metro

Tahong, talaba at halaan may red tide

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko na huwag kainin ang mga shellfish products tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa mga baybayin ng Masbate, Palawan at Samar dahil sa ito ay may mataas na lason ng red tide.

Natuklasan ang red tide toxin nang magsagawa ng water sampling at napatunayang mataas ang red tide toxicity level sa mga baybayin  ng Man­daon, Masbate, Ilong-ilong Bay Samar, Maqueda Bay, Samar, Villareal Bay, Samar gayundin sa Honda Bay Puerto Prin­cesa, Palawan.

Patuloy pa rin ipinagbabawal ang shellfish na nakukuha mula sa Bataan coastal water laluna sa mga  bayan ng Mari­veles, Limay, Orion, Pilar, Ba­langa, Orani, Abucay at Samal dahil mataas pa rin ang lason ng red tide doon.

Tinagubilinan ng BFAR ang mga local chief executives ng natu­rang mga lugar na huwag pabayaan na makara­ting sa mga palengke ang naturang mga shellfish.

BAY SAMAR

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

HONDA BAY PUERTO PRIN

MAQUEDA BAY

MASBATE

PALAWAN

SAMAR

VILLAREAL BAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with