Binata nanghuli ng bangus sa ilog Pasig natagpuang patay
MANILA, Philippines - Isa ng bangkay nang matagpuan ang isang 22-anyos na binata na kabilang sa magkakapitbahay na lumusong upang manghuli ng mga nakawalang bangus sa Pasig river sa bahagi ng Mandaluyong City, kahapon ng umaga.
Ang nasawi ay kinilalang si Jomar Semilla, ng no. 35 Old Motorpool, Welfareville, Mandaluyong City.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:00 ng hapon noong Huwebes nang huling makitang buhay ang biktima na nagpunta sa ilog Pasig upang hulihin ang mga nakaalpas na bangus.
Dahil sa mabilis ang agos ng tubig ay natangay ang biktima at hindi na ito nakita at kahapon ng alas-7:30 ng umaga nang lumulutang ang bangkay nito sa bahagi ng Intramuros, Maynila. - Ludy Bermudo, Patrick Andal (trainee)-
- Latest