^

Police Metro

Pula at itim kontra dilaw

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng labanan ng kulay bukas na kung saan magsusuot ng kulay pula at itim ang mga kawani ng Supreme Court bilang hamon sa naging panawagan ni Pangulong Benigno S. Aquino III na dilaw ang ibandera kung sumusuporta sa kaniyang administrasyon.

Inaasahan na ang black and red protest na isasagawa ng Supreme Court Employees Association (SCEA) pagkatapos ng flag raising ceremony.

Pahiwatig lamang umano ito na palaban  ang mga kawani ng hudikatura sa harap ng pagbabanta ni Pangulong Aquino sa mga mahistrado ng Korte Suprema.

Sinabi ni Jojo Guerrero, presidente ng SCEA, ang pagsusuot nila ng pula at itim ay upang maipakita sa Malakanyang ang kanilang galit dahil sa pagpuntirya sa  Judicial Development Fund (JDF) kasunod ng desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Anya, ang JDF ay hindi maituturing na pork barrel ng hudikatura dahil hindi naman discretionary ang paggugol sa pondo.

Ang JDF ay special purpose fund na binuo noong 1984 sa ilalim ng Presidential Decree No. 1949 para sa benepisyo ng mga miyembro at kawani ng hudikatura upang manatili ang pagiging independent nito sa iba pang sangay ng gobyerno.

Ang aksiyon umano ni P-Noy ay hindi maitutu­ring na pag-atake sa hudikatura kundi pag-atake sa Konstitusyon.

Kabilang rin sa inaasahang magsasagawa ng sabayang kilos-protesta ang mga kawani ng iba’t ibang hukuman sa bansa, kabilang ang Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at Court Of Appeals.

Nilinaw din ni Guerrero na hindi nila ikinonsulta sa mga mahistrado ang kanilang isasagawang kilos-protesta dahil  mayroon din silang karapatan na maghayag ng kanilang saloobin at protektahan at ipaglaban ang kanilang tahanan, ang sangay ng hudikatura.

Nag-ugat ang nasabing reaksiyon sa naging speech ni P-Noy noong nakalipas na Lunes na kumukuwestiyon sa naging hatol ng Korte Suprema sa pagiging unconstitutional ng DAP, dahil nasagasaan nito ang hiwalay na kapangyarihan ng Kongreso hinggil sa pondo ng bayan  partikular sa DAP.

Samantala, inihayag naman ng Malakanyang na igagalang nila ang karapatan ng mga empleyado ng gobyerno na magsagawa ng tahimik na protesta.

Ayon kay deputy pre­sidential spokesperson Abigail Valte, malaya ang mga empleyado na gawin ang mga nasabing pagkilos at pagsusuot ng kulay na nais nila para ipakita ang pagpo-protesta.- Ludy Bermudo, Malou Escudero-

 

ABIGAIL VALTE

COURT OF APPEALS

COURT OF TAX APPEALS

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

JOJO GUERRERO

JUDICIAL DEVELOPMENT FUND

KORTE SUPREMA

LUDY BERMUDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with