^

Police Metro

65% nailawan na ng Meralco

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matroon ng kuryente ang kostumer ng Manila Electric Company (MERALCO) hanggang nitong alas-11:00 ng umaga kahapon.

Ayon kay MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga, 81% naman na kanilang kostumer  sa  Metro Manila ang naibalik na rin ang suplay ng kuryente.

Kabilang  sa mga lugar na wala pang kur­yente sa National Capital Region (NCR) ay ang  area ng Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela), ilang bahagi ng Quezon City, Pa­rañaque City,  Alabang, Muntinlupa City at ilang bahagi ng Maynila.

Nasa 99.98% naman ng franchise area ng Meralco sa Quezon province ang wala pa ring suplay ng elektrisidad, gayundin ang 97% ng consumers sa Batangas, 66% sa Cavite, at 66% sa Laguna.

Ipinaliwanag ni Zaldarriaga na ang kawalan ng suplay ng kuryente sa southern Luzon ay sanhi ng pinsala sa distribution facilities ng mga local distribution utilities sa lugar.

Tiniyak naman ni Zaldarriaga na doble-ka­yod na ang mga tahanang MERALCO para maibalik kaagad ang suplay ng kuryente sa lahat ng
kanilang nasasakupan.

Nitong Miyerkules, umabot sa 90% ng franchise area ng Meralco ang nawalan ng suplay ng elektrisidad matapos ang pananalasa ng bagyong Glenda. Kinailangan ding magpatupad ng MERALCO ng 3-hour emergency rotating brownouts kahapon sa ilang lugar dahil sa kawalan ng kakayahan ng mga
planta sa south area na makapag-generate ng kuryente dahil sa transmission outages.

Apektado ng natu­rang rotating brownout ang ilang bahagi ng Maynila, Makati, Quezon City, Bulacan at Pasay.

 

MANILA ELECTRIC COMPANY

MAYNILA

MERALCO

METRO MANILA

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL CAPITAL REGION

NITONG MIYERKULES

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with