^

Police Metro

Sa kasagsagan ni ‘Glenda’: 4 sunog naganap sa MM

Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Habang bumabayo ang bagyong Glenda sa Metro Manila ay nagkaroon naman ng apat na sunog sa Quezon City, Navotas at Valenzuela City kahapon ng umaga.

Sa ulat ni QC Fire Marshal Supt. Jesus Fernandez, unang sumiklab ang sunog  sa dalawang palapag na bahay ng isang Lanie Manalang na matatagpuan sa no.13 Mayumi St., Brgy. UP Village, ganap na alas-3:12 ng madaling-araw.

Nabatid na nagsimula ang sunog sa may quarters ng mga katulong na nasa unang palapag ng bahay na umabot sa ikatlong alarma bago tuluyang naapula ganap na alas-4:41 ng madaling araw.

Dakong alas-3:49 naman ng madaling-araw nang masunog ang nasa 25 kabahayan na nasa squatter’s area sa Nawasa Line, malapit sa panulukan ng Republic Avenue, Brgy. Holy Spirit.

Ang malakas na ha­ngin ang nagpabilis sa pagkalat ng apoy sa mga kabahayan.

Umabot naman sa ikaapat na alarma ang sunog bago tuluyang maapula ganap na alas-5:20 ng umaga.

Sumiklab din ang sunog dakong alas-7:00 ng umaga sa pagawaan ng taho sa may Narciso St., Brgy. Canumay, Valen­zuela City.

Naapula ng mga bumbero ang sunog dakong alas-9:28 ng umaga at wala namang naiulat na nasaktan sa insidente. 

Dakong alas-11:28 naman ng umaga nang sumiklab ang sunog sa bodega ng fishnet at styrofoam sa may Lapu-lapu St., Navotas City at dakong alas-12:34 ng hapon nang ganap na maapula ang apoy. 

Walang naiulat na nasaktan o namatay sa nasabing mga sunog.

ALAS

BRGY

DAKONG

FIRE MARSHAL SUPT

HOLY SPIRIT

JESUS FERNANDEZ

LANIE MANALANG

MAYUMI ST.

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with