MM at karatig lalawigan walang pa rin pasok ngayon
MANILA, Philippines - Patuloy na suspendido ngayong araw ang mga klase sa karamihang lugar na nasalanta ng bagyong Glenda.
Narito ang mga listahan na walang pasok ang mga mag-aaral sa Metro Manila.
Sa Las Piñas City, Mandaluyong City, Malabon City, Marikina City, Paranaque City, Pateros, San Juan City ay all levels, public at private schools ang walang pasok;Muntilupa City, Taguig City ay preschool at high school levels, public schools; Pasay City ay preschool, elementary at high school levels, public at private; Quezon City ay preschool at high school levels, public at private
Sa mga lalawigan: Cavite-all levels, public at private; Camarines Sur-all levels ngayong araw hanggang Biyernes.
Sa mga eskwelahan ay patuloy na suspendido ang klase sa FEU Manila habang sa FEU Makati ay hanggang Biyernes pa suspendido.
Ang ibang lugar na tinamaan ng bagyong Glenda ay ihahayag ngayong araw ang pagbabalik ng kanilang klase.
- Latest