^

Police Metro

Mag-ina nasapol ng kidlat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang isang mag-ina matapos tamaan ng kidlat sa gitna ng malalakas na pagkulog sa Sitio Amaralina, Brgy. Pantalan, Nasugbu, Batangas kamakalawa ng hapon.

 Halos nasunog ang mga katawan ng mag-ina na sina Mercedez Baral- Grumal, 45 anyos at anak nitong si Anthony Grumal, 18-anyos; pawang residente sa lugar.

Sa imbestigasyon, kasalukuyang naglalakad ang mag-ina sa nasabing lugar pauwi sa kanilang bahay sa kasagsagan ng malalakas na pagkulog na sinundan ng malakas na kidlat na sa kamalasan ay tumama sa kanila.

Pinag-iingat naman ng mga lokal na opisyal ang mga residente partikular na sa kapag masungit ang panahon upang makaiwas sa panganib.

ANTHONY GRUMAL

BATANGAS

BRGY

GRUMAL

INA

KAPWA

MERCEDEZ BARAL

NASUGBU

PINAG

SITIO AMARALINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with