Mosyon ni Jinggoy na makapagpiyansa muling iniliban
MANILA, Philippines - Sa muling pagkakataon ay ipinagpaliban ng 5th division ng Sandiganbayan ang pagdinig sa mosyon ni Senador Jinggoy Estrada na makapag-piyansa ito kaugnay ng kanyang kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.
Sinabi ni Sandiganbayan, hindi pa maisasagawa ang pagdinig sa motion to bail ni Estrada dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa natatapos ang isinasagawang pagmamarka sa mga dokumentong ebedensiya kaugnay ng kaso.
Ang naturang mga document evidence ay ang libong dokumento na dala kamakailan ni Atty. Vic Tagura Escalante Jr., nang isalang sa witness stand.
Sa mga dokumentong ay malalaman kung maaaring makapagpiyansa si Estrada kaugnay ng kaso.
Malinaw anya, na batay sa kanilang commitment order ay idedetine si Estrada kasama ng iba pang mambabatas sa PNP Custodial center na kapwa akusado kaugnay ng pork scam.
- Latest