Bagyong Glenda lumakas
MANILA, Philippines - Patuloy ang paglakas ng bagyong Glenda at nagbabanta ng malalakas na pag-uulan sa ibat ibang panig ng bansa.
Alas-11:00 ng umaga kahapon si Glenda ay namataan sa layong 620 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 95 kilimetro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 120 kilometro bawat oras.
Bunga nito, nakataas sa signal number 2 ang mga lugar ng Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at Sorsogon .
Signal number 1 naman sa Metro Manila, Masbate, kasama ang Burias, Ticao Island, Marinduque, Quezon, kasama ang Polilio, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Pangasinan at Southern Aurora.
Patuloy namang pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na lugar na malapit sa tabing dagat at bulubunduking lugar na mag ingat at ugaliing mapagmasid sa paligid para makaiwas sa epektong maaaring dalhin ng mga pag uulan na dala ng bagyong Glenda.
Ngayong Martes ng gabi o Miyerkules ng umaga ay maaaring maranasan ng mga taga-Metro Manila ang pabugso-bugsong hangin at malakas na pag-ulan.
- Latest