^

Police Metro

Habang mahimbing na natutulog... Parak tinodas ng misis na guro

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng isang guro ang kanyang mister na pulis habang ito ay mahimbing na natutulog matapos ang mainitan nilang pagtatalo sa loob ng boarding house ng una sa Dipolog City,  Zamboanga del Norte kamakalawa.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa tama ng bala ng cal 9MM sa dibdib ang biktimang si PO1 Rustom Redoble, 36, residente ng Purok 4, Sta.  Isabel ng lungsod at miyembro ng Dipolog City Police Station.

Nadakip agad ang misis nitong si  Maricel Gorrero Redoble, 33, guro sa Katipunan National High School sa Katipunan, Zamboanga del Norte at  kinasuhan ng parricide.

Base sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-12:30 ng tanghali ay pumunta ang biktima sa Mirasol Pilapil Salaveria Boarding House na tinutuluyan ng gurong misis na matatagpuan sa panulukan ng Del Pilar at Bonifacio St., Brgy. Estaka.

Ilang sandali ay nagkaroon ang mag-asawa ng mainitang pagtatalo dahil umano’y pagseselos ng misis.

Nang matapos ang pagtatalo ay natulog ang biktima sa kama nang kunin ng misis ang baril nito pinaputukan nang sunud-sunod sa katawan.

Bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay nabigo nang maisalba ang buhay nito.

BONIFACIO ST.

DEL PILAR

DIPOLOG CITY

DIPOLOG CITY POLICE STATION

KATIPUNAN NATIONAL HIGH SCHOOL

MARICEL GORRERO REDOBLE

MIRASOL PILAPIL SALAVERIA BOARDING HOUSE

NORTE

RUSTOM REDOBLE

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with