^

Police Metro

Abad ipapatawag ng Senado sa DAP

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagpapaliwanagin ng Senate Committee on Finance si  Budget Secretary Florencio “Butch” Abad tungkol sa kontro­bersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ayon kay Senator Francis “Chiz” Escudero, chairman ng komite, papaharapin sa imbestigasyon si Abad sa Hulyo 21 upang ipagpatuloy ang imbestigasyon na unang sinuspinde ng Senado  dahil sa ginawang pagdinig ng Supreme Court hinggil sa legalidad nito. Matatandaan na ilang bahagi ng DAP ang idineklara ng SC na labag sa Konstitusyon.

 Inatasan rin ni Escudero si Abad na isumite sa komite ang kumpletong listahan ng lahat ng Special Allotment Release Orders o SARO  na ipinalabas sa ilalim ng DAP kabilang na ang mga proyekto, purposes at kung magkano ang inilabas na pondo.

 Aniya, dapat linawin ni Abad kung bakit hindi nagta-tally  ang ulat na ang kabuuang pondo  ng DAP ay P327 bilyon gayong P200 bilyon lamang ang kabuuan na ibinigay na report ng DBM sa komite.

Ipapatukoy rin ng komite kay Abad ang mga fund releases sa ilalim ng DAP na ayon sa Supreme Court ay labag sa Konstitusyon.

ABAD

BUDGET SECRETARY FLORENCIO

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

KONSTITUSYON

SENATE COMMITTEE

SENATOR FRANCIS

SPECIAL ALLOTMENT RELEASE ORDERS

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with