^

Police Metro

JV binisita si Enrile, hindi si Jinggoy

Joy Cantos, Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binisita kahapon ni Senador JV Ejercito si Senador Juan Ponce Enrile sa kinalalagyang kuwarto nito sa PNP General Hospital at naawa ito sa kalagayan.

Inilarawan nito na masyadong masikip, mahirap gumalaw sa kuwarto ni Enrile na kaun­ting espasyo lamang ang puwedeng malakaran ng  ‘90-anyos na beteranong mambabatas.

Sa kabila nito ay sinabi ni Ejercito na wala siyang narinig na anumang daing o reklamo kay Enrile o anumang hirit na mailipat siya ng ospital.

Naging mabigat rin umanong  eksena nang pagpapaalam ng anak ni Enrile na si dating Cagayan Rep. Jack Enrile sa ama kung saan mahigpit ang mga itong nag­yakap at kapwa naluha sa insidente. Nabatid na si Jack ay mananatili ng isang buwan sa Estados Unidos.

Dahilan sa nakita niyang kondisyon ni Enrile sa PNP General Hospital  ay dapat aniyang ma-upgrade ang mga kon­disyon ng mga jail facility sa bansa.

Samantala, pinaplano rin ni Ejercito na bisitahin sa PNP Custodial Center ang kaniyang kapatid na si Senador Jinggoy Estrada sa susunod na linggo.

“Next week sana makadalaw na ako kay Jinggoy, magdadala ako ng foods, kare-kare yung buntot, slightly excited na nga ako, next week na lang  babalik ako”, ani Ejercito.

Aminado si Ejercito na nais niyang makita ang kapatid, pero batid niyang mainit pa ang sitwasyon matapos ang insidente ng overstaying ng mga bisita sa PNP Custodial Center kamakailan.

CAGAYAN REP

CUSTODIAL CENTER

EJERCITO

ENRILE

ESTADOS UNIDOS

GENERAL HOSPITAL

JACK ENRILE

SENADOR JINGGOY ESTRADA

SENADOR JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with