Multa sa jaywalkers tumaas
MANILA, Philippines - Tumaas ng P500 mula sa dating P200 na may kasamang tatlong oras na community service ang parusa sa mga pedestrian na lalabag sa anti-jaywalking campaign ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Ito ang napagkasunduan at inaprubahan kahapon ng Metro Manila Council (MMC) sanhi na rin ng nakaalarmang paglobo ng bilang ng mga aksidente dahil sa pagtawid sa hindi tamang tawiran.
Naniniwala si MMDA Chairman Francis Tolentino, panahon na upang itaas ang multang ipapataw sa mga lumalabag sa kampanya kontra jaywalking dahil tila marami pa ring pasaway at hindi natututo.
Sa record ng MMDA ay mayroon 500 tao ang namamatay kada taon dahil sa pagtawid sa hindi tamang tawiran
Nilinaw ni Tolentino, kapag ang isang jaywalker ay hindi kayang bayaran ang P500 multa maaring sumailalim ito sa tatlong oras na community service.
- Latest