Abad kinasuhan ng plunder
MANILA, Philippines - Dahil umano’y sa pagiging “architect” ng Disbursement Acceleration Program (DAP) na ang ilang bahagi nito ay sinasabi ng Korte Suprema na unconstitutional kung kaya’t nagsampa ang partylist groups na Kabataan Partylist at Youth Act Now! ng kasong plunder laban kay Budget Secretary Florencio “Butch” Abad sa Ombudsman.
Sa 16-pahinang complaint affifavit, sinabi ng dalawang grupo na nais nilang makasuhan si Abad ng paglabag sa R.A. No. 7080 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, at Revised Penal Code.
Binigyang diin ng mga complainants na may elemento ng plunder sa kaso dahil si Abad umano ang nag-initiate ng DAP.
Sinabi ng mga complainant, hindi maaaring masabi na si Abad ay “in good faith” o hindi alam ang batas nang gawin ang kasalanan sa pamamagitan ng implementasyon sa DAP.
- Latest