^

Police Metro

Sanggol dedbol sa ama na may sayad

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang buwang gulang na  sanggol ang nasawi matapos na siya at kanyang ina ay tagain ng mismong ama na may diperensiya umano sa pag-iisip sa loob ng kanilang bahay sa Barangay I.S. Cruz, Jasaan, Misamis Oriental kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktimang si Kian James labadan na nabiyak ang ulo nang tagain ng ama na si Isidro Labadan, 40. Himala naman nakaligtas ang ina na si Yvonette na kasaluku­yang nilalapatan ng lunas sa Jasaan Municipal Hospital matapos magtamo ng mga taga sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Nagawang maitago ni Yvonette, 38 sa kanyang mister ang kakambal ng napatay niyang sanggol.

Ayon kay  Jasaan Municipal Police Station Police Inspector Espiridion Biado III na agad silang rumesponde sa lugar dakong alas-9:50 ng umaga at dito ay nakita nila ang suspek na armado ng baril.

Nang makita ng suspek ang mga rumespondeng pulis ay pinaputukan niya ito.

Gumanti ng putok ang mga otoridad  na nauwi sa shootout hanggang sa tamaan sa ulo ang suspek na agad niyang ikinasawi.

Narekober mula sa suspek ang dalawang homemade shotguns at kalibre 38 baril.

Bago ang krimen ay may ilang araw na umanong nag haha­lusinasyon ang suspek at sinasabing may nakita siyang kapre at asuwang at balak siyang patayin nito.

vuukle comment

AYON

BARANGAY I

CRUZ

ISIDRO LABADAN

JASAAN MUNICIPAL HOSPITAL

JASAAN MUNICIPAL POLICE STATION POLICE INSPECTOR ESPIRIDION BIADO

KIAN JAMES

MISAMIS ORIENTAL

YVONETTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with