Anak salbahe, ina nagbigti
MANILA, Philippines - Ang sobrang sama ng loob ng isang 71-anyos na ina sa kanyang anak matapos siyang sagutin ng pabalang at pagmumurahin ang naging dahilan ng pagbibigti nito naganap kamakalawa sa Zone 7, Upper Culasi, Brgy. Taytay, Goa, Camarines Sur.
Natagpuang nakabigti sa puno ng Malubago at wala ng buhay ang biktimang si Lourdes Peñaflorida.
Batay sa ulat, bago natagpuang patay ang biktima dakong alas-10:30 ng umaga ay nagkaroon sila nang pagtatalo ng kaniyang anak na si Maritess at ng manugang na si Vicente Montes.
Dito ay sinagot nang pabalang at pagmumurahin ni Maritess at ng kanyang asawa ang biktima.
Humagulgol ng iyak ang matanda at nagpaalam sa kanyang mister na mamimitas lamang ng gulay sa likuran ng kanilang bakuran.
Nagtataka ang mister kung bakit ang tagal bumalik ng biktima hanggang sa matagpuan ito ng isang Adelina Climaco, 58 na nakabigti sa puno na may ilang hakbang mula sa likuran ng bahay nito.
- Latest