Bagyo papasok sa PAR
MANILA, Philippines - Ngayong araw ay papasok ang isang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa ng PAGASA kapag pumasok na sa bansa ang naturang bagyo ay tatawagin itong Florita.
Huling namataan ang sama ng panahon sa 1,410 kilometro silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.
Papasok lamang ang bagyo sa PAR, pero hindi naman ito tatama sa kalupaan,subalit maaari anya nitong palakasin ng habagat na siyang magpapaulan sa bansa.
Patuloy naman anyang umiiral ang habagat sa Southern Luzon hanggang Mindanao kayat inaasahan na ang mga pag-uulan sa mga lugar na ito gayundin sa Bicol region at MiMaRoPa areas.
Banayad naman hanggang sa paminsan minsang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila dahil sa epekto ng habagat.
- Latest