^

Police Metro

2 trabahador ng arena patay sa aksidente

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang dalawang trabahador ng Mall of Asia (MOA) Arena matapos bumagsak ang tinutungtungan   nilang spider lift  habang nagkukumpuni sa isang bahagi ng arena kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ang mga nasawing sina Ronaldo Caballero, 29; at  Siegfrid Puntalan Jr., 28, kapwa maintenance ng nasabing establisyimento at  residente ng Indese  Compound Road 12, Sta.  Mesa, Maynila.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente ganap na alas-7:00 ng gabi sa  MOA Arena ay kinukumpuni ng mga biktima ang  LED Mesh na may taas na walong palapag.

Bigla na lamang nagkaaberya ang sinasakyan nilang spider lift dahilan upang bumagsak ito.

Mabilis na dinala sa nasabing ospital ang dalawang biktima, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

vuukle comment

BATAY

BIGLA

COMPOUND ROAD

INDESE

KINILALA

MALL OF ASIA

PASAY CITY

RONALDO CABALLERO

SIEGFRID PUNTALAN JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with