Paslit nalitson sa sunog
MANILA, Philippines - Nalitson sa sunog ang isang 6-anyos na batang babae matapos na tupukin ang may 30 kabahayan sa Mandaluyong City kahapon ng hapon.
Halos hindi na makilala ang biktimang si
Reinalyn Orocay, residente ng Isla de Cocomo, Barangay Mauway, Mandaluyong City nang matagpuan ng mga otoridad.
Sa ulat ng Mandaluyong Bureau of Fire Protection (BFP), dakong ala-1:23 ng hapon nang maganap ang sunog sa naturang lugar.
Iniulat na nawawala si Orocay matapos umanong maiwan sa loob ng
nasusunog na 3-palapag na paupahang bahay.
Hinala ng mga otoridad na na-suffocate ang bata habang natutulog hanggang sa tuluyang masunog ang katawan nito.
Inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog na umabot ng
ikaapat na alarma bago naapula pasado alas-3:15 ng hapon.
- Latest