Extended visiting hours nina Bong at Jinggoy, iimbestigahan
MANILA, Philippines - Nais ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na magbigay ng paliwanag ang hepe ng PNP Custodial Center matapos na lumagpas sa oras ang visiting hours na itinakda para sa pamilya at mga kaibigan nina Senador Ramon Revilla Jr. at Jinggoy Estrada sa Camp Crame.
Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, Chief ng PNP-Public Information Office (PNP-PIO), hinihingan ng paliwanag ni Headquarters Support Service P/Chief Supt. Benito Estipona si Supt. Mario Malana, hepe ng nasabing detention facility.
Nakarating na sa kabatiran ni Estipona ang nasabing ulat at ipinatawag na nito si Malana hinggil sa nasabing isyu.
Ang visiting hours para kina Revilla at Jinggoy ay mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon tuwing Huwebes at Linggo, gayunman noong Linggo ay inabot pa ng ala-1:00 ng madaling araw kinabukasan ang mga bisita ng dalawang senador mula sa kanilang mga pamilya at mga kaibigan.
Bumaha rin ng masasarap na pagkain tulad ng litson at iba pa na dinala ng kanilang mga bisita sa selda nina Revilla at Jinggoy para pagsaluhan.
Ayon naman kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda na suportado nila ang imbestigasyon ng extended visiting hours ng dalawang senador na nahaharap sa plunder case.
- Latest