^

Police Metro

200 casual employee ng OCD mawawalan ng trabaho

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanganganib na mawalan ng trabaho ang nasa 200 casual employee ng Office of Civil Defense (OCD), ang isa sa mga ahensya ng gobyerno na pangunahing  tumututok sa mga insidente ng kalamidad sa bansa.

Ito ang inamin kahapon ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director at OCD Administrator Alexander Pama.

Ayon kay Pama na ang mga contractual employees ay nasa kanilang punong tanggapan sa Camp Aguinaldo at ang iba naman ay nasa mga rehiyon na kinuha ng pamahalaan para makatulong sa kanilang trabaho.

Ang nasabing mga contractual employees ay tumutulong sa pagbibigay babala sa mamamayan sa panahon ng kalamidad tulad ng malalakas na bagyo, lindol at iba pa.

 Nilinaw naman ni Pama na tapos na ang kontrata ng naturang mga empleyado at hindi na mare-renew pa at hindi na rin kukuha ng kapalit bunga ng kawalan ng pondo ng tanggapan ng OCD.

Aminado naman si Pama na malaki ang epekto sa trabaho ng OCD kapag na-layoff na ang nasabing mga casual employees ng kanilang tanggapan.

Umaasa naman ang opis­yal na magagawan ng paraan ng pamahalaan ang problemang ito para ma-hire muli o pumirma ng panibagong kontrata ang mga casual employees.

ADMINISTRATOR ALEXANDER PAMA

AMINADO

AYON

CAMP AGUINALDO

EXECUTIVE DIRECTOR

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with