^

Police Metro

Pag-donate ng dugo, lunas sa sakit sa puso -DOH

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nabatid kahapon mula sa Department of Health (DOH) na ang pag-donate o pagbibigay ng dugo ay lunas sa sakit sa puso.

Bunsod nito ay hinikayat ng DOH–Mindoro Marinduque Romblon Palawan(MIMAROPA) ang mga residente lalo na ang mga kabataan na mag-donate ng dugo  upang mapataas  ang kuwalidad at supply  ng  dugo at blood products  sa  rehiyon.

 Sinabi ni DOH Regional Director, Dr. Eduardo C. Janairo,  na ang pagdo-donate ng dugo ay mahalaga  dahil naiiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso ng isang blood donor.

 Ayon naman kay Dra. Alice Fetalvero, Chairman ng Romblon Provincial Blood Control na mahalagang makapag-donate ng dugo para sa healthy lifestyle habang pinalalakas ang katawan ng mga donors.

 Bukod pa rito, nakakapagligtas din ng buhay  ang paghahandog ng dugo.

 Mas maigi rin ani Dra.Fetalvero na ugaliing mag-donate ng dugo tuwing ikatlong buwan ng taon lalo na ang mga kabataan.

ALICE FETALVERO

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. EDUARDO C

DRA

DUGO

MINDORO MARINDUQUE ROMBLON PALAWAN

REGIONAL DIRECTOR

ROMBLON PROVINCIAL BLOOD CONTROL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with