^

Police Metro

Pahinante tumalon sa kamatayan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kamatayan ang na­ging bunga nang pagtalon ng isang pahinante sa sinasakyang trak na nawalan ng preno kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Agad nasawi ang biktima na si Jowerksy Manrique, 18, ng Ti­bagan, Bustos, Bulacan dahil sa matinding pinsalang natamo sa ulo.

Batay sa ulat, dakong ala-1:35 ng madaling-araw ay bumabagtas ang 16 wheeler truck na minamaneho ni John Mark Espertero, 25 sakay ang biktima ang kahabaan ng MacArthur Highway nang hindi kumagat ang preno ng trak.

Nataranta si Manrique na agad tumalon palabas, subalit natumba ito sa kanyang pagbagsak at nagulu­ngan ng trak sanhi ng agad nitong kamatayan.

Nagawa namang maipreno pa ng tsuper ang trak at nakita ang sinapit ng kanyang pahinante. 

Ang driver ng truck ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

vuukle comment

BATAY

BULACAN

JOHN MARK ESPERTERO

JOWERKSY MANRIQUE

KAMATAYAN

MANRIQUE

NAGAWA

NATARANTA

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with