^

Police Metro

Lola pinugutan ng apo na may topak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Brutal ang naging kamatayan ng isang 84-anyos na lola nang siya ay pagsasaksakin at pugutan ng ulo ng kanyang apo na may topak sa utak at pagsasaksakin ang apat na iba pa kamakalawa sa Olongapo City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Claudia Balondo.

Hindi naman umabot ng buhay sa Saint Jude Hospital ang suspek na si Juben Balondo, 24, matapos itong barilin ng mga nagrespondeng pulis na tangka nitong daluhungin ng saksak.

 Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang apat na sugatang kapitbahay na sina  Laude de Vera, 70, Michael Calderon, Oscar Lobo at Roger Estaldor.

Sa imbestigasyon, dakong alas-4:45 ng hapon nang mag-amok ang suspek sa Brgy. Mabayuhan na kung saan ay kanyang  pinagsasaksak, kinaladkad at hindi pa nakuntento ay pinugutan pa ng ulo ang kaniyang lola.

Pinagsasaksak rin nito ang apat pa nilang kapitbahay gamit ang  kutsilyo.

Nang magresponde ang pulisya ay tumangging sumuko ang suspek na akmang susugurin ng saksak ang mga otoridad kaya napilitan itong paputukan.

Nabatid na ang suspek ay matagal na umanong may diperensya sa pag-iisip at nagpapagamot lamang umano sa faith healer.

 

BRGY

CLAUDIA BALONDO

JUBEN BALONDO

KINILALA

MABAYUHAN

MICHAEL CALDERON

OLONGAPO CITY

OSCAR LOBO

ROGER ESTALDOR

SAINT JUDE HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with