^

Police Metro

Cayetano: house arrest kay Enrile ‘di puwede!

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mariing tinutulan ni Senate Majority Floor Leader Alan Peter Cayetano na maisailalim sa house arrest si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile sa sandaling magpalabas na ng warrant of arrest ang Sandiganbayan.

Ayon kay Cayetano, maaaring ikonsidera ang kalusugan at edad ni Enrile kung saan siya dapat ikulong pero hindi ito dapat ilagay sa kanyang sariling tahanan at sa halip ay dapat sa hospital arrest.

Naniniwala si Ca­yetano na maituturing na special treatment kung sa sariling bahay ikukulong ang senador na nahaharap sa kasong graft at plunder kaugnay sa pork barrel fund scam.

Pero idinagdag ni Ca­yetano na hindi lamang naman ang mga nakakulong na senador ang dapat binibigyan ng makataong pag-trato kung hindi ma­ging ang mga nakakulong sa mga ordinaryong bilangguan.

Pero naniniwala si Cayetano na bagaman at nagbigay ng pahayag si Pangulong Benigno Aquino III na dapat ikonsidera ang kalusugan at edad ni Enrile, hindi naman maaa­ring impluwensiyahan ng sinuman ang korte.

Dapat umanong ipaubaya sa korte kung saan dapat ilagay si Enrile.

Bukod kay Enrile, nahaharap din sa kasong plunder at nakakulong na ngayon sina Senators Jose “Jinggoy” Estrada at Ramon “Bong” Revilla Jr.

CAYETANO

DAPAT

ENRILE

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PERO

REVILLA JR.

SENATE MAJORITY FLOOR LEADER ALAN PETER CAYETANO

SENATE MINORITY LEADER JUAN PONCE ENRILE

SENATORS JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with