^

Police Metro

Lalaki naghanap ng matapang, tigok sa mga pulis

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tila nakahanap ng katapat ang isang 24-anyos na lalaki na hinihinalang nasa impluwensiya ng droga matapos mapatay dahil sa kanyang pagwawala nang makipagbarilan sa mga kagawad ng pulisya kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Agad na nasawi dahil sa tama ng bala sa leeg at katawan ang biktimang  si Ceferino Sanoy, Jr., residente ng Gozon Complex, Letre, Brgy. Tonsuya, ng naturang lungsod habang sinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala ng sumpak sa katawan ang pulis na si PO3 Raul Salazar, nakatalaga sa Malabon City Police.

Ang insidente ay naganap dakong alas-2:05 ng madaling araw nang makatanggap sila ng tawag sa mga residente ng Gozon Complex ukol sa pagwawala ni Sanoy na armado ng isang sumpak at naghahamon ng barilan sa sinumang matapang sa lugar.

Rumesponde naman sa lugar ang mga pulis ngunit pagdating pa lamang ay sinalubong na ng biktima ng bala ng baril ang mga alagad ng batas sanhi upang tamaan ng bala si Salazar.  Nakaganti naman ng putok ang mga pulis  at tinamaan si Sanoy.

Kahit na may tama na ng bala, nagawa pang makatalon sa katabing creek na puno ng burak ang suspek kung saan dito ito nalagutan ng hininga.

Inaalam naman ng pu­lisya ang sanhi ng pagwawala ni Sanoy na posib­leng nasa impluwensya umano ng iligal na droga o alak.

BRGY

CEFERINO SANOY

GOZON COMPLEX

INAALAM

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

RAUL SALAZAR

SANOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with