^

Police Metro

Kelot niratrat paglabas sa korte

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ang isang 34-anyos na lalaki ng kilabot na gunman na “riding-in-tandem” paglabas nito ng korte matapos ang dinaluhang bista sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Julito Mulo, 34-anyos, ng P. Halili Street, Barrio San Jose, ng naturang lungsod.

Sinabi ng pulisya na kagagaling lamang sa bista ng kanyang kasong qualified theft na isinampa ng dating among si Mulo at kalalabas lang sa Hall of Justice nang maganap ang pananambang dakong alas-9:45 ng umaga.

Sakay ang biktima ng motorsiklo at angkas ang live-in partner na si Mary Grace Bataring nang dikitan ng mga salarin na magkaangkas din sa isang motorsiklo sa may kanto ng 8th at Rizal Avenue at saka sunud-sunod na pagbabarilin.

Inaalam naman nga­yon ng mga imbestigador kung may kaugnayan ang kinakaharap na kaso sa naganap na pamamaslang.

BARRIO SAN JOSE

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MEDICAL CENTER

HALILI STREET

HALL OF JUSTICE

INAALAM

JULITO MULO

MARY GRACE BATARING

RIZAL AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with