Employers na hindi magre-remit ng SSS parurusahan
MANILA, Philippines - Mahaharap sa mas mabigat na parusa ang mga employers na hindi magreremit ng Social Security System (SSS) contribution ng kanilang mga empleyado.
Ito ang inihayag ni Bayan Muna Reps.Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate sa sandaling maisabatas ang inihain nilang House Bill 4405 na nagpapatibay sa Republic Act 8282 na inamyendahan sa ilalim ng Social Security Law.
Sa ilalim ng panukalang batas pagmumultahin ang mga employer na bigong makakapag-remit ng P25,000 at dagdag na P20,000 sa bawat P10,000 halaga ng SSS contribution at pagkaÂkabilanggo ng hindi kukulang sa walong taon, subalit hindi naman lalagpas sa 14 na taon.
Ayon kay Colmenares, umabot na sa 164,111 ang mga manggagawa na apektado ng non-remittance sa SSS contribution na aabot sa P94 B.
Nagsampa na ng kaso ang SSS sa 1,400 delinkwenteng kumÂpanya noong 2012 sa iba’t ibang paglabag na nagawa ng mga ito.
Bukod dito masyado din umanong mababa ang pension na natatanggap ng mga pensioÂners na aabot lamang sa P1,200 kada buwan na hindi naman sapat para sa araw-araw na gastusin.
- Latest