Jinggoy nagreklamo sa sobrang init sa selda
MANILA, Philippines - Matapos ang pagreÂreklamo ni Senador Bong Revilla sa sobrang init sa kanyang selda sa PNP Custodial Center nang siya ay ikulong doon matapos na sumuko noong nakaraang linggo ay sumunod na rin na nagreklamo si Senador Jinggoy Estrada.
Nabatid na hindi umano makatulog sa unang gabi sa kanyang selda si Estrada at dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang dalawin ng antok at alas-8:30 ng umaga kahapon nang ito ay nakagising.
Una nang sinabi ni Manila Mayor Erap Estrada na hihilingin nila sa korte na pakabitan ng aircon ang selda ni Jinggoy at kahit siya na mismo ang sumagot sa bill ng kuryente.
Nabatid naman kay Atty. Alexis Abasdillas–Suarez, legal counsel ni Jinggoy na dingding lang ang pagitan sa selda ng kaniyang kliyente at ni Revilla sa PNP Custodial Center.
Si Jinggoy ay sumuko nitong Lunes matapos namang magpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan sa kaso nitong plunder at graft kaugnay ng pagkakasangkot sa P10 bilyong pork barrel scam ni Janet Lim-Napoles.
- Latest