Tatay pinatay sa harap ng 2 anak
MANILA, Philippines - Sa harap ng kanyang dalawang anak binaril ang isang tatay ng hindi pa kilalang suspek kamakalawa sa Brgy. Banahao, Lianga, Surigao del Sur.
Ang biktima na namatay noon din ay nakilaÂlang si Crispin Bacangoy, 41-anyos.
Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga kasalukuyang lulan ng kulay pulang motorsiklong Honda XRM ang biktima kasama ang dalawang paslit na anak na sina Criszame at Warren.
Pagbaba nila sa bisiÂnidad ng Market Square ay biglang sumulpot at hinarang sila ng armadong salarin at agad na pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nang matiyak na patay na ang biktima ay tumakas ang suspek patungo sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Ban-as, Lianga ng lalawigang ito.
Hindi naman ginalaw ng suspek ang dalawang bata na natulala sa nasaksihang pagpaslang sa kanilang ama.
- Latest