Sunog sa Tondo, P2-M ari-arian naabo
MANILA, Philippines - Mahigit sa P2 milyon halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Abad Santos at Solis St., sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.
Ayon sa Manila Fire Bureau, nagsimula ang sunog bago mag-alas 10:00 ng gabi at idineklarang fire under control alas-11:31.
Nabatid na nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Oliver Caliwang na nasa gitna ng mga kabahayan.
Dahil umano sa makipot na daan ay nahirapan ang mga pamatay sunog na apulahin ang naglaÂlagablab na apoy.
Nasa 40 kabahayan at 80 pamilya naman ang apektado sa sunog matapos maging abo ang kanilang mga bahay.
Hinihinalang faulty electrical wiring o napaÂbayaang nakasinding apppliances ang sanhi ng sunog.
- Latest