Ginang tiklo sa noodles con shabu
MANILA, Philippines - Hindi nakalusot ang isang 28-anyos na ginang sa mga bantay sa kuluÂngan nang tangkain nitong ipasok ang noodles na may lamang shabu kamakalawa ng hapon sa Taguig City.
Ang suspek na kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act sa Taguig City Prosecutors Office ay kinilalang si Mary Ann De Leon, ng #546 Alonzo St., Malate, Maynila.
Nakumpiska sa suspek ang tatlong bulto ng shabu na nakapaloob sa isang Korean noodles na may halagang P30,000.
Sa ulat, pasado alas-4:00 ng hapon nang dumating sa Camp Bagong Diwa ang suspek kasama ang isang hindi pa kilalang Korean national sakay ng taxi.
Pagsapit sa gate ng Camp Bagong Diwa ay bumaba ang dayuhan at inutusan si De Leon na siya na ang magbitbit ng noodles sa hindi pa nakikilaÂlang bilanggo na nakapiit sa detention cell ng Bureau of Immigration (BI).
Bago pa makapasok sa detention cell si De Leon ay sinuri ng mga confidential agent ng BI na sina Rodrigo Oamil Jr. at Francisco Pecaoco ang noodles at nakita sa loob nito ang tatlong bulto ng shabu.
Hindi halatang nabuksan ang noodles dahil maayos ang pagkakalagay ng shabu sa loob, subalit hindi pa rin ito nakalusot sa pagsusuri ng mga tauhan ng BI.
Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan sa Koreanong kasama ni De Leon upang makasuhan din ito.
- Latest