^

Police Metro

Killer ng isang pamilya ipinagkanulo ng nunal

Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagtapos ang mala-palos na pagtatago ng pangunahing suspek sa pagpatay sa tatlong katao sa Navotas City makaraang ipagkanulo ito ng kanyang nunal at maaresto ng pulisya kamakalawa ng hapon sa Olongapo City.

Ang suspek ay kinilalang si Jay Amar, 27, may-asawa, ng Barangay Kalaklan na itinuturong nagmasaker  sa live-in partner na si Jocelle Dinolag na noon ay anim na buwang buntis, at mga magulang nito na sila Cecillo at Rosa Leticia pawang ng Kalye Impiyerno, Tabing-dagat, San Roque, Navotas City noong Disyembre 2013 gamit ang kalibre .45 mm at .9 mm baril.

Nabatid na namuk­haan ang suspek ng mga otoridad batay sa pagsasalarawan ng mga saksi na ito ay may nunal sa kanang pisngi.

Inamin ng suspek na kaya niya pinatay ang live-in partner at magulang nito dahil sa ginagawang pang-aabuso umano ng mga ito sa kanyang anak sa unang asawa tulad ng pagpapa­kain ng basura sa bata.

Matapos ang krimen ay umuwi ito sa tunay na asawa sa Olongapo na kung saan dito siya naispatan ng mga otoridad.

 

BARANGAY KALAKLAN

CECILLO

JAY AMAR

JOCELLE DINOLAG

KALYE IMPIYERNO

NAVOTAS CITY

OLONGAPO CITY

ROSA LETICIA

SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with