Alert level 4 idineklara sa Iraq, OFW’s ililikas na!
MANILA, Philippines - Ipinatutupad na ng pamahalaan ang sapilitang paglilikas sa mga Pinoy sa Iraq matapos na ideklara kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang crisis alert level 4 sa nasabing bansa.
Ayon sa DFA, dahil sa pagtaas ng security situation sa Iraq, lubhang mapanganib na sa buhay ng mga Pinoy na nakatira at nagtatrabaho sa nasabing rehiyon.
Sa ilalim ng alert level 4, ipatutupad ang mandatory evacuation sa lahat ng mga Pinoy kabilang ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Iraq maliban lamang sa Iraqi Kurdistan Region na nananatiling nasa alert level 1 o precautionary phase.
Ipinaliwanag ng DFA na ang Kurdistan ay nananatiling kalmado at matatag ang sitwasyon.
Ang gagawing sapilitang paglilikas sa mga Pinoy sa Iraq ay popondohan ng gobyerno kabilang na ang kanilang airfare.
Bukod dito, ipinatutupad din ng gobyerno ang total deployment ban para sa mga OFWs sa Iraq.
Sinabi ng DFA na aasistehan ng mga kinatawan ng Embahada ng Pilipinas sa Baghdad at DFA-Rapid ResÂponse Team na kasalukuyang nasa Iraq at naatasang tulungan ang mga Pinoy sa pagpapatala sa kanilang repatriation.
Patuloy na mino-monitor ng DFA ang mga kaganapang pang-politikal at seguridad sa Iraq.
Magugunita na nitong Hunyo 14, 2014 lamang ay itinaas ng DFA sa alert level 3 o voluntary evacuation sa Iraq dahil sa patuloy na karahasan doon. Sa tala noong 2012, mahigit 6,000 ang nakatira at nagtatrabaho sa Iraq.
- Latest