^

Police Metro

Probe team vs high profile inmates binuo ng DOJ

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumuo na ang  Department of Justice   ng special investigating team para bumusisi sa kontrobersiyal na paglabas-pasok ng mga high profile inmates sa mga kulungan.

Ito ay kasunod ng pagpapa-check-up  ng isang drug lord sa isang hospital na walang pahintulot mula sa DOJ.

Ang binuong panel ay kinabibilangan nina Justice Undersecretary Francisco F. Baraan III bilang chairman at mga miyembrong sina Jose Doloiras ang Deputy Director for Intelligence Service of the National Bureau of Investigation at State Counsel Charles Cambaliza.

Partikular na pinatutukan ni De Lima ang kaso ni Ricardo Camata at iba pang kahalintulad na kaso lalo na ang mga kilalang inamates.

Nabatid na si Camata alyas Cha-cha ang sinasabing commander ng Sigue Sigue Sputnik Gang, ay isinugod sa  Metropolitan Hospital dahil sa sakit sa baga ngunit  naging kontrobersiyal dahil nabisita ito ng starlet na si Krista Miller kung saan nakita  ito sa CCTV.

Maliban kay Camata, noong Mayo 27 si Herbert Colangco alias Ampang ay dinala rin sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang.

Si Colangco ay pinuno umano  ng bank robbery gang na responsable sa pagsakalay sa mga bangko sa Pampanga at Quezon City, at Parañaque.

Ayon kay De Lima aalamin ng binuong investigating panel ang administrative at criminal liability ng Bureau of Corrections officials.

 

ASIAN HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

BUREAU OF CORRECTIONS

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPUTY DIRECTOR

HERBERT COLANGCO

INTELLIGENCE SERVICE OF THE NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

JOSE DOLOIRAS

JUSTICE UNDERSECRETARY FRANCISCO F

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with