Colorum vehicles huhulihin na
MANILA, Philippines - Ngayong araw ang pagsisimula ng paghuli sa mga colorum na sasakyan sa buong bansa batay sa joint administrative order ng DOTC-LTO-LTFRB.
Aabot sa P1 milyon ang multa sa bus; P200,000 sa trak; P120,000 sa van at taxi; at P50,000 sa jeep.
Niliwanag naman ni LTFRB Chairman Winston Ginez na sapat ang kanilang impounding area para paglagyan ng mga mahuhuling mga colorum vehicles.
Nanindigan si Ginez na wala nang atrasan ang kanilang kampanya para linisin ang kalsada sa mga colorum vehicles.
Kahapon ay dinumog ng libong tao ang LTFRB para mag-aplay ng prangkisa upang hindi mahuli ngayong unang araw ng kautusan ng ahensiya laban sa colorum na sasakyan sa buong bansa.
Bibigyan ng LTFRB ng 120 days ang lahat ng nakapag-aplay ng prangkisa para maabsuwelto sa huli kontra colorum.
- Latest