30 checkpoints ilalarga sa MM
MANILA, Philippines - Upang mapalakas pa ang police visibility na naglalayong mabawasan ang kriminalidad sa buong Metro Manila ay maglalatag ang pulisya ng 30 checkpoints.
Kasunod ng pamamaslang sa sikat na car racer na si Enzo Ferdinand Pastor na pinagbabaril sa naganap na ambush sa Quezon City noong nakalipas na EÂnero 12.
Bukod dito ay bunsod nang pamamayagpag ng mga elementong kriminal tulad ng mga holdaper, carjacker at iba pa sa mga crime prone areas sa iba’t ibang dako ng National Capital Region (NCR) na dapat ay matuldukan.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na kailaÂngan mapalawak ang mga checkpoints na dodoblehin sa loob ng isang linggo hanggang maging triple pa.
Bawat checkpoints bukod sa mga unipormadong pulis ay dapat may kasamang ‘marked vehicle’ ng PNP.
- Latest