Jinggoy at Bong susuko sa CIDG
MANILA, Philippines - Nakipagkasundo umano sina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Police Director Benjamin MagaÂlong, na sila ay susuko sa halip na arestuhin sa sandaling lumabas na ang warrant of arrest para sa kasong plunder sa Sandiganbayan.
Sinabi ni Revilla mahigit na isang buwan na ang nakakaraan nang makipag-usap siya kay Magalong para ipabatid ang kahandaan niyang sumuko sa opisyal at hiniling na sana ay magkaroon ng respeto ang mga otoridad lalo pa’t wala naman siyang balak na tumakas at haharapin niya ang kaso.
Maging si Estrada ay nagsabi na handa siyang magtungo sa opisina ni Magalong kapag ipinalabas na ang kanilang warrant of arrest at huwag na siyang arestuhin sa kanilang bahay dahil magiging traumatic umano ito para sa kanyang mga anak lalo na sa kanilang bunso.
Nangako naman umano si Magalong na igagalang ang kagustuhan ng mga senador na sumuko na lang at huwag ng aresÂtuhin.
Bukod kina Estrada at Revilla, nahaharap din sa kasong plunder si SeÂnate Minority Leader Juan Ponce Enrile.
- Latest