Pagbusina sa araw ng Linggo ipagbabawal
MANILA, Philippines - Ipagbabawal sa buong bansa ang pagbubusina ng mga sasakyan tuwing araw ng Linggo.
Ito ay kung maisasabatas ang House Bill 4542 ni Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez dahil anya ang pagbusina ng mga sasakyan ay nakakairita at hindi nakakatulong sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Nakasaad pa sa panukala na ang pagbusina rin ang nagiging dahilan din minsan para magkaroon road rage at noise pollution sa bansa.
Ayon pa sa kongresista, ang eardrum ng isang tao ay sensitive sa ingay hindi lamang kapag nasa eskuwelahan at hospital zone kundi kahit saan lugar kaya dapat gumawa ng hakbang ang gobyerno na mabawasan ang mga kaso ng pagkabingi na nag-uugat dahil sa patuloy na exposure ng isang tao sa mataas na lebel ng ingay.
Sakali na maging ganap na batas ay pagmumultahin ng P500 per offense, samantalang ÂexeÂmÂpÂÂted naman dito ang mga driver ng ambulansya at iba pang medical vehicles, firetrucks, police car, military vehicles at mga driver na mayroong emergency situations.
- Latest