DOJ bumuo ng 3-man team laban sa VIP treatment sa NBP
MANILA, Philippines - Matapos ang kontroÂbersiyal na pagpapagamot sa mga private hospital ng mga high profile convicts ay bumuo na ang Department of Justice (DOJ) ng 3-man team na magsisiyasat sa mga nagaganap na anomalya sa New Bilibid Prisons.
Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, partikular na tututukan ng panel ang laganap na pagbibigay ng special o VIP treatment sa mga high profile inmate sa Bilibid at mga opisyal na kasabwat ng mga convicts.
Aalamin din ng 3-man team ang pagkakaroon ng umano’y talamak na operasyon ng bawal na droga sa bilibid, kubol system at maraming iba pa.
Magugunita na kamakalawa ay sinibak na ni De Lima ang dalawang doctor at head guard ng NBP dahil sa pagpapahintulot na makalabas ng NBP si Ricardo Camata na convicted drug lord at makapagpaospital sa Tondo kung saan siya ay dinalaw ng starlet na si Krista Miller at dalawa pang babae.
Dito nabunyag din na dalawa pang high-profile inmates na sina Amin Buratong, convicted druglord, at Herbert CoÂlangco, pinuno umano ng isang robbery gang ang nabigyan ng emergency referral para makapagpagamot sa mga pribadong ospital sa labas ng NBP.
- Latest