Mag-ingat sa mga batang ‘hamog’ sa Maynila -MPD
MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng Manila Police District (MPD) ang mga mamamayan sa mga napapadpad sa night bar sa Malate, Maynila na iwasan ang mga batang ‘hamog’ palaboy, nagpapalimos at nagtitinda ng bulaklak dahil pinaniniwalaang pinakikilos ng sindikato para mang-holdap.
Ito’y matapos na magreklamo sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section, ang isang 27-anyos si Yeonkyung Jin, nanunuluyan sa no. 1202 Grand Emerald Tower Condominium, Ortigas Center, Pasig City.
Sa salaysay ng Korean national, naglaho ang kaniyang wallet na naglalaman ng $500, P2,000 at cellphone matapos siyang palibutan ng tinatayang 12 batang kalye, na ang ilan ay nag-aalok ng Sampaguita at Rosas, habang ang karamihan ay nanghihingi umano ng limos, dakong alas-2:00 ng madaling araw ng Sabado, sa Adriatico St., Malate.
Ani PO3 Jayjay Jacob, nang lumabas ng bar ang biktima at kaniyang girlfriend ay nagsilapit na ang mga batang suspek habang sila ay naghihintay ng taxi, sabay-sabay umanong nangungulit sa kaniya ang may 12 bata at hindi nagtagal ay sabay-sabay din siyang iniwan, at nang kapain ang pitaka ay wala ito, maging ang cellphone sa kaniyang bulsa ay nadukot.
Nagsasagawa naman ng operasyon ang mga opeÂratiba ng MPD-GAS para hanapin ang mga batang mandurukot na pinaniniwalaang may sindikato na nasa likod na nagmamando sa istilo ng pandurukot.
- Latest