FOI bill sertipikahang urgent: 2.6 trilyong budget pinababantayan kay PNoy
MANILA, Philippines - Pinababantayan ng isang grupo ng mga mamamayan kay Pangulong Benigno S. Aquino III ang 2.6 trilyong budget sa pamamagitan ng kahilingan na sertipikahan bilang “urgent†ang Freedom of Information Act at Budget Impoundment Control Act.
Hinikayat ni Prof. Ben Diokno, chairman ng Kilos Kaayusan (KK) si Aquino na ipakita ang kahandaang hugutin ang katiwalian mula sa ibaba hanggang sa itaas ng burukrasya.
“Mayroon na lamang dalawang taong nalalabi sa kanyang termino ang Pangulo at ito ang pinakamagandang panahon para sa kanya upang iwanang pamana niya sa sambayanang Pilipino ang pagpasa ng dalawang panukalang batas na itoâ€, sabi ni Diokno.
Naniniwala ang KK na mahalagang maipasa ang FOI at Budget Impoundment Control Act sapagkat solusyon ito sa problema upang maprotektahan ng mga pampublikong pondo na ‘binubulsa’ ng mga tiwali sa pamahalaan sa pagproseso ng mga dokumento na nagiging daan upang mapunta sa ibang paraan ang buwis ng mga mamamayan.
Kung mayroong FOI, paniwala ng KK, maiiwasan na ang patagong pag-aallocate ng mga pondo sapagkat matutuklasan din ito ng mga mamamayan. Dinedebate pa rin sa Kongreso ang FOI samantalang inuupuan naman sa Senado ang Senate bill no. 3121 na ginawa pa mismo ni Aquino noong siya’s isa pang Senador noong 14th Congress.
“ Kailangang ipakita ng administrasyong Aquino ang kanyang sinseridad, policy consistency at pagiging ojective sa labang ito sa katiwalian sa pamamagitan ng paghimok sa Kongreso na ituring bilang “urgent†ang dalawang kritikal na batas na ito: ang FOI at Budget Impoundment Control Act. Ang una’y naglalayon ng pagiging bukas ng pamahalaan sa pagpapakita ng kanyang mga transaksyong ginagawa samantalang epektibong batas naman upang limitahan ang kapangyarihan ng Pangulo sa pakikialam sa kapangyarihan ng Kongreso sa pamamahala ng pondoâ€, pahayag pa ng KK.
“Hindi dapat mahirap sa Pangulo na maipasa ang mga panukalang ito. Noong senador pa siya, siya mismo ang nagsusulong ng mga ito upang protektahan ang mamamayan laban sa abuso, hindi lamang ng Kongreso kundi ng Tanggapan ng Pangulo. Kung hindi maipapasa itong mga panukalang ito, wala tayong garantiyang matitigil ang katiwalian sa pamahalaanâ€, paliwanag pa ng KK.
- Latest